3 patay, halos 200 sugatan sa pananalasa ng tornado sa Cuba
Tatlo ang patay habang mahigit isang daan ang nasugatan matapos manalasa ang tornado sa Havana sa Cuba.
Maraming gusali ang nawasak, natanggal ang mga bubungan at may mga sasakyan pang bumaligtad sa lugar na dinaanan ng tornado.
Malaking bahagi rin ng Havana ang nawalan ng kuryente matapos ang insidente.
Ito ang unang pagkakataon na may tumamang tornaado sa kapital ng Cuba makalipas ang ilang dekada.
Ayon kay Cuban Pres. Miguel Diaz-Canel, 172 ang nasugatan na ngayon ay ginagamot sa iba’t ibang ospital
Maari ding madagdagan pa ang bilang ng mga naapektuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.