Isang bata patay sa sunog sa Payatas, QC

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz January 29, 2019 - 06:57 AM

Credit: Jade Jesrael Eustaquio Niegas

(UPDATE) Isa ang patay sa sunog na sumiklab sa IBP Road kanto ng Litex Road sa Quezon City.

Unang naiulat na mayroong dalawang bata na nawawala, na isang edad 6 at isang edad 7.

Kapwa naiwan umano sa loob ng kanilang nasunog na bahay ang mga bata.

Kalaunan ay natagpuan ang sunog na katawan ng batang si Prince Quiel Repangcol, 6 na taong gulang.

Nakaligtas naman ang kapatid nitong si Jaren Repangcol, 7 taon; kanilang ina na si Jacqueline Lacsi Bentor, 32 anyos at ama na si Renato Repangcol, 43 anyos.

Tulog umano ang magkapatid nang umalis ang ina para magtungo sa dump site at puntahan ang kaniyang mister isang garbage collector.

Alas 3:57 naman ng madaling araw nang sumiklab ang sunog.

Umabot na sa 100 pamilya ang naapektuhan at 50 bahay ang tinupok ng apoy.

TAGS: fire incident, Payatas, quezon city, fire incident, Payatas, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.