Pagtuturo sa grupo ni MNLF chairman misuari na nasa likod sa Sulu bombing, unfair – Malakanyang

By Chona Yu January 28, 2019 - 08:49 PM

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang na itigil na muna ang pagpapakalat ng ispekulasyon na ang grupo ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari ang nasa likod ng pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mas makabubuti kung hihintayin munang matapos ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.

Unfair aniya na ituro ang grupo ni Misuari.

Naganap ang pagsabog sa Sulu ilang araw matapos ratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Nanaig ang ‘no’ vote sa Sulu para sa BOL.

Ang Sulu ay kilalang balwarte ni Misuari.

Aminado si Panelo na mas gustong isulong ni Misuari ang Pederalismo kaysa sa BOL.

TAGS: mnlf, Mount Carmel Cathedral, Nur Misuari, Sec. Salvador Panelo, mnlf, Mount Carmel Cathedral, Nur Misuari, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.