Pagsabog sa Jolo, Sulu resulta ng security lapses ayon sa Malakanyang

By Chona Yu January 28, 2019 - 12:46 PM

Galit at dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang magkasunod na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, security lapses o kapabayaan mula sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kung kaya nakalusot ang pagsabog.

Sa kabila kasi aniya ng umiiral na martial law sa Mindanao at activation ng 11th infranty division sa Jolo, Sulu, nakapuslit pa rin ang mga kalaban at naghasik ng terorismo sa lugar.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas makabubuting hintayin muna ang ginagawang imbestigasyon bago ihayag na may mananagot na security officials.

Inatasan na aniya ng pangulo ang AFP na tiyakin ang seguridad ng mamayan sa Sulu.

Inatasan na rin ng pangulo ang ibat ibang sangay ng pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga nabiktima ng pagsabog.

Napasalamat din ang Palasyo sa pakikiramay na ipinaabot ni Pope Francis at iba pang lider mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Australia at Canada.

TAGS: Jolo Sulu, Palace, Rodrigo Duterte, security lapses, Jolo Sulu, Palace, Rodrigo Duterte, security lapses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.