SM Group of Companies tutugon sa LLDA hinggil sa mga establisimento nila sa palibot ng Manila Bay na nakitaan ng posibleng paglabag

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 12:19 PM

Tiniyak ng SM Group of Companies na tatalima ito sa utos ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) hinggil sa mga establisimento nila sa palibot ng Manila Bay na posibleng mayroong paglabag.

Sa statement ng SM Group, ang findings ng LLDA noong January 16, 2019 sa isa nilang tenant ay isolated case lamang.

Agad umanong tinugunan ang isyu at sa ngayon ay compliant na ang nasabing establisimento.

Tiniyak din ng SM na agad silang makikipagpulong sa LLDA para ipabatid na ang napagkasunduang corrective measures ay naipatutupad na.

Samantala, para naman sa iba pang kumpanya ng SM na pinagpapaliwanag ng LLDA sinabi ng SM na tutugon sila sa loob ng 5-araw na grace period na ibinigay ng ahensya.

Magugunitang kabilang sa pinagpapaliwanag dahil sa posibleng paglabag sa Clean Water Act ay ang:

• SM Corporate Offices
• SM Prime Holdings, SM Mall of Asia
• SM Prime Holdings – SM Ferry Terminal (MOA complex)
• SMDC Residences Condominium

TAGS: Manila Bay rehab, Radyo Inquirer, SM group, Manila Bay rehab, Radyo Inquirer, SM group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.