ASEAN Economic Community ilulunsad na sa 27th ASEAN Summit
Idedeklara na ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagbuo nila ng economic community sa nakatakda nilang pagpupulong simula ngayong araw sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Maaari itong maihalintulad sa European Union, ngunit matagal pa bago buong maisakatuparan ang nasabing proyekto na ilulunsad sa 27th ASEAN Summit sa Malaysia na tatawaging ASEAN Economic Community (AEC).
Ayon kay ASEAN Secretary General Le Luong Minh, sa paglunsad ng AEC ay magiging full-fledged politically cohesive, economically integrated at socially responsible na komunidad ang ASEAN.
Ang kabuuang implementasyon ng AEC Blueprint ay nasa 92.7 percent nang tapos noong October 31 ayon sa report mula sa ASEAN Secretariat na naka-base sa Jakarta, Indonesia.
Ibig sabihin, 469 sa 506 na panuntunang kailangan para mabuo ang AEC ay naisakatuparan na.
Makikipagusap ang 10 lider ng ASEAN kasama ang lider ng walong iba pang bansa kabilang si US President Barack Obama.
Una nang nasabi na kasama sa pag-uusapan sa ASEAN ngayon ang isyu sa teritoryo at pati na rin ang paglaban sa terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.