Pangulong Duterte bibisita sa Jolo ngayong araw
Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu ngayong araw matapos ang dalawang pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 20 katao.
Ang mga pagsabog ay naganap sa loob at labas ng Katedral sa kasagsagan ng isang misa.
Sinabi ng Western Mindanao command na dalawang improvised explosive devices ang ginamit sa pagpapasabog.
Kinondena ng Malacañang ang pag-atake at tiniyak na pananagutin ang mga nasa likod ng krimen.
Naganap ang pagsabog matapos ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law na niratipikahan na ng Commission on Elections (Comelec).
Ang Sulu ay bumoto ng ‘no’ sa BOL.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.