Karamihan sa namatay sa twin blasts sa Jolo, regular mass goers – Apostolic administrator

By Rhommel Balasbas January 28, 2019 - 03:25 AM

Inihayag ni Jolo Apostolic Administrator Fr. Romeo Saniel, OMI, na karamihan sa mga nasawi sa pagsabog sa Jolo Cathedral ay kanilang regular Sunday mass goers.

Sa kanyang official statement, sinabi ni Fr. Saniel na kabilang sa mga nasawi ay ang kanilang dating Parish Pastoral Council (PPC) president at ilan sa mga malalapit na kaibigan.

Ipinahayag ng pari ang paghanga sa mga nasawi dahil namatay ang mga ito para sa kanilang pananampalatayang Kristiyano.

Nanawagan si Saniel ng panalangin para sa mga biktima ng pagsabog.

Wala anyang kahit anong salita ang makapagsasalarawan sa hinagpis na nararamdaman ng buong komunidad sa ngayon.

Si Saniel at si Jolo Bishop Lito Lampon ay nasa Maynila para dumalo sa 118th CBCP Plenary Assembly.

Nakatakdang lumipad ngayong umaga pa-Jolo si Saniel sakay ng military plane kasama ang grupo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

TAGS: Apostolic Vicariate of Jolo, Jolo Cathedral, Jolo twin blasts, olo Apostolic Administrator Fr. Romeo Saniel, Apostolic Vicariate of Jolo, Jolo Cathedral, Jolo twin blasts, olo Apostolic Administrator Fr. Romeo Saniel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.