CBCP nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng Jolo twin blasts

By Rhommel Balasbas January 28, 2019 - 03:13 AM

Ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pakikiramay nito sa mga pamilya ng mga biktima ng magkasunod na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo.

Nasa Plenary Assembly sa Maynila ang mga obispo nang matanggap ang balita tungkol sa pagsabog.

Mariing kinondena ng CBCP ang pangyayari na naganap ilang araw lamang matapos ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law.

Nanawagan ang CBCP sa mga Kristiyano, Muslim at Indigenous People na nagnanais ng kapayapaan na magtulungan sa adbokasiya laban sa violent extremism.

Sa huli, nananalagin ang CBCP na ang mga relihiyon ng kapayapaan ay maging gabay para sa mas magandang kinabukasan ng mga mamamayan ng Mindanao.

TAGS: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Jolo twin blasts, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Jolo twin blasts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.