San Marino, itinigil na ang produksyon ng canned Tawilis

By Isa Avendaño-Umali January 27, 2019 - 01:45 AM

Inanunsyo ng San Marino na inihinto na nila ang paggawa ng kanilang mga produkto na mayroong Tawilis.

Ito ay matapos ideklara ang “Sardinella Tawilis” bilang endangered species.

Sa kanilang Facebook page, sinabi ng San Marino na itinigil na nila ang produksyon ng canned goods na may Tawilis, partikular ang San Marino Premium Tawilis.

Sisimulan na rin nila ang pag-withdraw o pagbawi ng mga stock ng nabanggit produkto sa mga pamilihan.

Ang hakbang ng San Marino ay bahagi ng kanilang pagnanais na protektahan at mapreserba ang marine wildlife at natural resources.

Balak naman ng San Marino na i-donate ang mga ito sa charitable institutions, upang hindi masayang.

Nauna nang sinabi ng International Union for Conservation of Nature o IUCN na kasama na sa kanilang “red list” ang Tawilis.

Espesyal ang Tawilis dahil nahuhuli lamang ito sa Taal Lake, pero unti-unti lang bumababa ang bilang nila dahil sa over-fishing, polusyon at iba pang rason.

TAGS: San Marino, Tawilis, San Marino, Tawilis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.