Mga LGU at barangay, pinatutulong ng DILG sa paglilinis sa Manila Bay

By Len Montaño January 26, 2019 - 02:20 PM

Inutusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan at barangay sa bansa na tumulong sa rehabilitasyon ng Manila Bay na magsisimula bukas Linggo January 27.

Inasatan ni Interior Secretary Eduardo Año ang 178 local government units (LGUs) at 5,714 barangays na magsagawa ng lingguhang paglilinis alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2019-09 na inilabas noong January 24.

Sinabi ni Año na magiging mabilis ang Manila Bay clean-up kung magtutulungan ang mga LGU at barangay.

Iginiit ng kalihim na mamamayan din ang dapat sisihin sa polusyon at pagdumi ng Manila Bay pero pwede pa anya itong maisalba kung magtutulungan ang lahat.

Ayon kay Año, pwede ring magpatulong ang mga lokal na pamahalaan at barangay sa mga volunteers, non-government organizations, civil society organizations, academe para mahikayat ang partisipasyon ng iba’t ibang grupo sa paglilinis.

Sa ilalim ng Local Government Code, ang mga barangay ay obligadong magsagawa ng basic services kabilang ang paglilinis ng kapaligiran.

TAGS: barangay, DILG Sec. Eduardo Año, LGU, Manila Bay, Manila Bay clean-up, Manila Bay clean-up drive, Manila Bay Rehabilitation, barangay, DILG Sec. Eduardo Año, LGU, Manila Bay, Manila Bay clean-up, Manila Bay clean-up drive, Manila Bay Rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.