Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Catanduanes kaninang alas-3:20 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 60 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Gigmoto.
May lalim itong 19 kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at kasunod pang mga pagyanig o aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.