Bea Alonzo at John Lloyd Cruz mas piniling maging magkaibigan, kaysa pumasok sa relasyon
Inalala nina John Llyod Cruz at Bea Alonzo ang kauna-unahang Pelikula na kanilang pinagsamahan.
Sa pagbisita ng dalawa sa Philippine Daily Inquirer ay nagkwento sila kung paano nagsimula ang kanilang love team at kung ano ang kanilang naging sikreto kung bakit hanggang ngayon ay marami pa rin ang kinikilig at tumatangkilik sa kanilang dalawa.
Taong 2013, unang nagsama sa isang pelikula sina John Llyod at Bea at ito ay ang My First Romance at sinundan na ng maraming pelikula tulad ng Now That I Have You, Close To You, One More Chance, All About Love, Miss You like Crazy, The Mistress, 24/7 Inlove at ngayon ang sequel ng matagumpay na One More Chance kung saan nakilala ang mga karakter nina Popoy at Basha ang “Second Chance” na pang siyam na movie na nilang pagsasamahan.
Kwento ni Lloydie ang teleseryeng “Kay Tagal kang Hinintay” sa ABS-CBN ang unang proyekto na kanilang pinagsamahan bilang loveteam at ito rin ang naging biggest break nila sa telebisyon at sinabi niya na noong panahong mga iyon ay ang nais ng mga tao ay ang real life couple o yung may relasyon sa totoong buhay.
Ngunit ayon sa aktor ay naging click ang kanilang tambalan dahil naging maganda rin ang kanilang tambalan bilang hindi sila naging magkasintahan o nagkaroon ng relasyon sa isat isa kahit kailan.
Nagkwento rin ang dalawa kung paano sila humuhugot sa kanilang mga character o paano umaarte ang isang John Lloyd at Bea.
Ayon kay Bea bilib siya kay John Lloyd sa kung paano ito umarte dahil mahabang proseso pa ang ginagawa nito na talagang dinadama nito at pinag-aaralan ang bawat character na ibibigay sa kanya na tinawag pa ni Bea na “John Lloyd Mode” at ng minsang sinubukan niya umano itong gawin ay napagod siya, samantalang ang acting process naman ni Bea ay “on click” lamang na hindi naman kaya ni Lloydie gawin dahil katwiran ng aktres mas fresh ang memory niya at mas madali siyang makakaarte.
Sinagot din ng dalawa kung bakit kahit kailan at sa mahabang panahon ay naging magka-loveteam lamang sila, sinabi ni Lloydie na nahihirapan siya kung ang totoo niyang karelasyon ay kasama niya o kaeksena niya sa isang proyekto giit niya yung parte na lamang daw na yun ang natitira sa kanya na totoo kaya ayaw niya na sanang mahaluan pa ito ng pag arte.
Para kay Bea marahil ay yun ang misteryo ng kanilang loveteam kung bakit sa dami na ng kanilang pinagsamahan na proyektong dalawa ay kahit kailan ay hindi naging sila o nagkaroon ng relasyon.
Pati ang mga karakter ng kanilang ginampanan ay ibinahagi rin nila Bea at Lloydie kung saan minsan ay nakaka-relate din sila sa mga sitwasyon ng kanilang ginagawa.
At sa kanila na mga pagkakaibigan kung minsan ay nawawala o na-off daw ang kanilang friendship bagamat hindi naman daw nawawala ang kanilang connection, ‘yun nga lang, nahihinto raw ito sa tuwing matatapos ang kanilang proyekto, ngunit sa muli raw nilang pagbabalik-tambalan ay wala na ang ilanganan sa isa’t-isa.
Ibinahagi rin ni Bea ng una niyang nakatrabaho si Lloydie na tipong Starstruck siya dahil isang John Lloyd ang kanyang makakasama na napapanood lamang niya sa “Tabing Ilog” noong siya ay 15 years old pa lamang, pakiramdam raw ni Bea parang ayaw siyang katrabaho ng actor dahil lagi itong naka “John Lloyd mode”.
Sa bagong movie ng dalawa bilang Popoy at Basha mula sa naunang tumatak at pinag-usapan ng marami lalo na ng mga netizens, ngayon ay mag-asawa na ang kanilang gagampanan kung saan malaki ang pagbabago ng kanilang mga character.
Nang malaman daw nila na magkakaroon ng sequel sila Popoy at Basha kahit paano ay nagdalawang isip din sila dahil sa tagumpay at pagtangkilik nga ng mga tao dito.
Marami ring mga bagay ang tumatak sa kanilang dalawa sa paggawa ng kanilang pelikula bilang mag-asawa, ngunit nilinaw nila na wala pa naman sa kanilang plano ang mag-asawa o ang magka-pamilya na sa mga susunod na panahon, dahil biro ni Lloydie ay mga bata pa naman daw sila.
Ngunit tiniyak nila na maganda ang pelikulang ito lalo na sa mga taong nagsisimula pa lamang mag-pamilya.
Aminado naman ang dalawa na nahirapan sila na sundan ang kanilang pelikula dahil sa dami ng nakakakilala sa Popoy/Basha na minsan ay nakaka-offend na raw ayon John Lloyd dahil kung minsan ay mas kilala pa ng iba ang kanilang mga character na sila ang gumawa.
May mga expectations na rin daw ang mga viewers ng kanilang movie kaya mas nahihirapan sila ngunit mas natutuwa rin naman sila dahil sa laki ng impact sa ibang tao ng kanilang pinagsamahang pelikula, tinawag pa nga ito ni Bea na “blessing and a curse”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.