PNP naibigay na ang tulong sa pamilya ng SAF 44

By Len Montaño January 25, 2019 - 08:04 PM

Naibigay na ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuan ng tulong pinansyal at mga benepisyo sa pamilya ng 44 Special Action Force (SAF) troopers na namatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac, naibigay na lahat ng PNP ang kaukulang karampatang benepisyo sa nasawing SAF commandos.

Pahayag ito ni Banac matapos sabihin ng ina ng isa sa mga nasawing pulis na kulang pa ang kanilang natanggap na tulong pinansyal.

Sinabi naman ni Banac na bukas ang PNP sa anumang hinaing ng mga kaanak ng SAF troopers.

Kung mayroon anyang kailangan pang matanggap ay bukas ang PNP na tumulong at hindi nila papabayaan ang pamilya ng SAF 44.

Sa National Remembrance for the SAF 44 sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ay sinabi ni Helen Ramacula, ina ng napatay na si PO2 Rodel Ramacula, nasa P87,000 o 30 percent pa ng kabuuang tulong na P300,000 ang hindi pa naibibigay sa mga naulilang pamilya.

TAGS: Fallen 44, maguindanao, mamasapano, mamasapano encounter, National Remembrance for the SAF 44, Philippine National Police, PO2 Rodel Ramacula, saf 44, Fallen 44, maguindanao, mamasapano, mamasapano encounter, National Remembrance for the SAF 44, Philippine National Police, PO2 Rodel Ramacula, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.