Kulungan para sa mga kabataang nagkasala sa Panama bibisitahin ni Pope Francis
By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 04:59 PM
Bibisitahin ni Pope Francis ang mga batang nakakulong sa Panama.
Bilang sideline ng kaniyang pagdalo sa World Youth day, magtutungo ang Santo Papa sa industrial hub sa Pacora kung saan pupuntahan niya ang isang youth detention center.
Sasakay ng helicopter si Pope Francis patungo sa nasabing lugar.
Nabatid na mangungumpisal sa Santo Papa ang mga youth offender, kabilang ang isa na nakulong dahil sa kasong pagpatay.
Ang Laz Garzas detention center ay mayroong 192 na bilanggo n apawang mga kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.