Dating TESDA director Syjuco pinayagang makapagpagamot pa sa Singapore
Hiniling sa Sandiganbayan ni dating Technical Education and Skills Development Authority director general Augusto Syjuco Jr. at kaniyang asawang si dating Iloilo Representative Judy Syjuco na payagan silang makabalik ng Singapore.
Sa mosyon na inihain sa anti-graft court, sa February 7 hanggang 22 nais makabalik ng Singapore ng mag-asawa para maipagpatuloy ang chemotherapy treatment ni Syjuco Jr., para sa sakit niyang leukemia.
Una nang sinabi ng mag-asawa na hanggang Pebrero 18 lang tatagal ang pagpapagamot Syjuco Jr.
Pero umapela silang palawigin ito hanggang sa February 22.
May bagong gamot kasi umano na kailangan ding ibigay sa dating TESDA chief.
Sa resolusyon naman ng Sandiganbayan Third Division pinayagan ang kahilingan ng mag-asawa.
Inatasan lamang silang maghain ng P460,000 na travel bond.
Ang mag-asawa ay nahaharap sa mga kaso kaugnay sa maanomalyang paggamit ng public funds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.