Mga diplomat ng U.S. na nasa Venezuela pauuwiin na
Ipinag-utos ng US State Department sa ilang US government workers na lisanin na ang Venezuela.
Sa pahayag ng tagapagsalita ng State Department ng Amerika, sinabihan din ang kanilang mga mamamayan na nasa Venezuela na ikunsidera nang umalis sa naturang bansa.
Ito ay matapos na sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Washington at ng Venezuela makaarang hindi kilalanin ng U.S. Nicolas Maduro bilang pangulo.
Ayon pa sa U.S. state department, wala naman silang planong ipasara ang embahada doon pero kailangan nilang gumawa ng hakbang base sa kasalukuyang security situation.
Magugunitang binigyan lang ni Maduro ng tatlong araw ang mga tauhan ng US embassy sa Venezuela para umalis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.