Mga mambabatas magpapatawag ng pagdinig para talakayin ang polusyon sa Manila Bay

By Rhommel Balasbas January 25, 2019 - 03:05 AM

Plano ng House Committee on Metro Manila Development na ipatawag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga local governments units para imbestigahan tungkol sa polusyon sa Manila Bay.

Nagsagawa ng ocular inspeksyon ang mga miyembro ng komite at ilang opisyal ng gobyerno kahapon (Jan.24) kasabay ng ikinakasang rehabilitasyon sa dagat.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nakita nila ang mga paglabag na naganap at aalamin kung compliant ba ang mga establisyimento sa sewerage treatment plant (STP).

Iginiit ni House Committee chair Representative Winnie Castelo na alinsunod sa batas, bawal magtayo ng negosyo kung walang STP.

Anya, kung walang STP, malinaw na ang basura ay itinatapos ng mga establisyimento sa Manila Bay.

Nakatakda namang ilabas ng DENR ang listahan ng mga establisyimento sa Manila bay na lumabag sa environmental laws.

Tiniyak ng kagawaran na tutulong sila sa komite at pananagutin umano ang mga nagbigay ng compliance certificates sa mga hindi sumusunod na establisyimento.

TAGS: Department of Environment and Natural Resources, House committee on Metro Manila development, Manila Bay Rehabilitation, polluted bay, Department of Environment and Natural Resources, House committee on Metro Manila development, Manila Bay Rehabilitation, polluted bay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.