4 na minero patay, 3 pa nawawala sa landslide sa Agusan del Norte

By Rhommel Balasbas January 25, 2019 - 03:00 AM

Patay ang apat na minero habang tatlo ang nawawala makaraang maganap ang isang landslide sa Mount Manhupaw sa Agusan del Norte dahil sa pananalasa ng Bagyong Amang noong Linggo.

Sa ulat ng Police Regional Office 13 (Caraga), ang mga biktima ay nagmimina sa lugar nang gumuho ang lupa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rene Gan-ungunIligan, Ramil Naño Iligan, Casiano Tagunsulod Iligan, at Tata Salasay.

Patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations para sa mga biktimang nakilala na sina Rex Penig, Jay-ay Matanog, at Gang-gang.

Isang minero lamang ang nakaligtas na nagngangalang Alan Daging na ayon sa pulisya ay hindi pa makapagbigay ng detalye dahil sa mga pinsalang tinamo nito.

TAGS: Agusan del Norte landslide, illegal mining, Mount Manhupaw, Agusan del Norte landslide, illegal mining, Mount Manhupaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.