UAE, Saudi Arabia at Germany may alok na trabaho para sa mga manggagawang Pinoy

By Len Montaño January 25, 2019 - 12:01 AM

Bukas sa mga manggagawang Pilipino ang libu-libong mga trabaho sa United Arab Emirates, Saudi Arabia at Germany.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kailangan ng Ministry of Health ng Saudi Arabia ang 1,000 na babaeng specialist nurse.

Para maging kwalipikado, kailangan na ang aplikante ay graduate ng Bachelor of Nursing, may Professional Regulation Commission (PRC) Board license at 2 taong kaukulang karanasan.

Ang mga aplikante ay mayroong hanggang January 25 para magsumite ng kanilang aplikasyon at mga dokumento sa anumang POEA Regional Office at hanggang February 1 kung magsusumite sa POEA Central office.

Samantala, ang National Ambulance Company sa Abu Dhabi ay naghahanap ng 150 emergency medical technicians (EMTs).

Ang mga gustong mag-apply ay dapat graduate ng Bachelor of Nursing, nakakumpleto ng internationally recognized EMT-Basic course at 8 buwan na karanasan bilang EMT.

Ayon sa POEA, ang deadline sa pagsumite ng aplikasyon ay sa Janaury 31.

Kailangan naman ng German Federal Employment Agency ng 400 nurse at hanggang February 28 ang deadline sa submission ng application.

TAGS: Overseas Filipino Workers, overseas work, Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Filipino Workers, overseas work, Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.