Monsour Del Rosario naging emosyonal nang makaharap ang mga natulungan
Sa unang episode ng programang “adVice ko si Monsour” sa Radyo Inquirer 990AM at Inquirer 990TV ay dumating sa himpilan ang dalawa sa maraming natulungan ng tanggapan ni Makati Congressman Monsour Del Rosario.
Si Tana Mendoza-Juan ng Brgy. Carmona na may problema sa kanyang kidney at si Aling Elizabeth Asildo naman na may diabetes.
Kaagad na nakilala ni Monsour si Tana na kanyang nakaka-ugnayan sa pamamagitan ng social media na siya mismo ang umaalam sa kalagayan ng kanyang mga tinutulungan.
Sa simula pa lamang ng panayam ay isinalaysay na ni Tana kung paanong nailigtas ang kanyang buhay dahil sa patuloy na tulong para sa kanyang dialysis at sa nalalapit na kidney transplant.
Dito na naging emosyonal ni Monsour kung saan kanyang sinabi na batid niya ang pakiramdam ng mga nangangailangan ng tulong dahil minsan rin niya itong pinag-daanan sa kanyang buhay.
Sinabi rin ng mambabatas na ito ang kanyang inspirasyon para lalo pang pag-igtingin ang pagbibigay ng serbisyo tulad ng kanyang patuloy na ibinibigay sa tulad nina Tana at Aling Elizabeth.
Nilinaw pa ni Monsour na hindi siya namimili ng tutulungan basta’t kumpleto lang ang requirements para sa maayos at tunay na public service.
Ang programang “adVice ko Si Monsour” ay mapapanood at mapakikinggan sa Radyo Inquirer 990AM at Inquirer 990TV tuwing Huwebes 7 hanggang 8 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.