Mahigit 800 katao inilikas sa Davao City dahil sa pagbaha
Mahigit 800 indibidwal ang nasa mga evacuation centers sa Davao City matapos ang naranasang pagbaha doon.
Sa datos ng Davao City government, 215 na pamilya o katumbas ng 805 na mga indbidwal ang pansamantalang nananatili sa mga paaralan at gymnasium.
Ang mga inilikas ay mula sa mga binahang lugar sa San Pedro, Talomo, Sta Ana, Buhangin, Toril, Sasa at Bunawan.
Samantala, binaha na rin ang bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Inabanga at Lasang.
Nagsasagawa na ng operasyon ang Task Force Davao and Emergency Response Company para tulungan ang mga residente na posibleng maapektuhan ng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.