Multang P3.1M ni Rosanna Roces dahil sa breach of contract pinagtibay ng Korte

By Len Montaño January 24, 2019 - 12:01 AM

Pinagtibay ng Court of Appeals ang utos nito noong June 6, 2018 na magbayad ang dating aktres na si Rosanna Roces ng P3.1 milyon na multa dahil sa breach of contract.

Ibinasura ng dating 11th Division ng CA ang motion for reconsideration ni Roces, Jennifer Molina sa totoong buhay, na baligtarin ang unang utos na magbayad siya ng damages para sa kasong isinampa ng isang sikat na aesthetic clinic.

Ang resolusyon ay isinulat ni Associate Justice Ramon M. Bato Jr. na pinaboran ni Associate Justices Ramon Cruz at Pablito Perez.

Ayon sa CA, walang bagong isyu na inilabas ang kampo ni Roces kaya walang dahilan para baguhin o baligtarin ang kanilang desisyon.

Sa unang utos ay kinatigan ng CA ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 220 kaugnay ng breach of contract complaint na inihain ng Forever Flawless Face and Body Center laban sa dating aktres.

Matapos maging endorser ay ibinenta ni Roces ang shares nito sa kumpanya sa halagang P1.5 milyon sa kundisyon na wala itong negatibong pahayag laban sa clinic kabilang ang mga treatments ni Dr. Vicki Belo.

Pero sa ilang television shows ay binatikos ni Roces ang naturang aesthetic clinic kaya ito kinasuhan.

TAGS: breach of contract, court of appeals, rosanna roces, breach of contract, court of appeals, rosanna roces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.