Mga bumabanat sa pagbaba sa criminal liability ng mga bata, pinayuhan ng Malakanyang na basahin muna ang panukala

By Chona Yu January 23, 2019 - 12:39 PM

Magbasa muna.

Ito ang naging simpleng payo ng Malakanyang sa mga bumabatikos sa panukalang batas na ibaba sa 9 na taong gulang ang criminal liability ng mga batang nagkakasala sa batas sa halip na 15 taong gulang.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na ibatay ng mga kritiko ang kanilang pagbatikos base sa maling impormasyon at kamangmangan, bakit hindi muna siliping mabuti ang nilalaman ng probisyon.

Dagdag ni Panelo, maari kasing sadyang hindi alam o nagtatanga-tangahan lang ang mga tumututol sa panukala sa reyalidad na napakatalino na ng mga kriminal para gamitin ang umiiral na Juvenile Justice Act para pagsamantalahan ang mga bata at makatakas ang mga sindikato sa kanilang pananagutan.

Batay ani Panelo sa panukala, walang parusang pagkakulong na ipapataw sa mga batang offenders na ang edad ay siyam na taon at pababa.

Ang mga youth offenders na edad siyam pataas at hindi lalampas ng 18 taong gulang ay hindi ikukulong kundi ilalagay lang sa youth care facilities at may gagabay na mga doctor, psychologists, at social workers.

Pagbibigay-diin ni Panelo, aplikable lang ang maximum penalty na reclusion perpetua sa mga kriminal na gumagamit sa mga bata para maisakatuparan ang kanilang criminal activities.

TAGS: criminal liability, Juvenile Offenders, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, criminal liability, Juvenile Offenders, Radyo Inquirer, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.