Rehab facilities sa mga child offenders dapat pondohan ayon kay Sen. Ping Lacson
Ipinasasalo ni Senator Ping Lacson sa gobyerno ang paglalaan ng pondo para sa pagpapagawa ng mga rehabilitation facilities para sa mga musmos na lumalabag sa mga batas.
Ito ay base sa datos na mayorya sa mga lokal na pamahalaan sa bansa ay wala pang ‘Bahay Pag-asa’ dahil sa kakulangan ng pondo.
Aniya ang pagpapatayo ng Bahay Pag-asa ay nakasaad sa Juvenile Justice Act o ang Republic Act 10630.
Sinabi pa ng senador na ang pondo para sa pagpapatayo ng rehab facilities ay maaring matalakay sa bicameral conference committee na tumatalakay sa P3.7 trillion 2019 national budget.
Ginawa ni Lacson ang panukala kasabay ng mainit na mga debate sa mga hakbang na maibaba sa 9-taon gulang ang ‘criminal age liability.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.