Dalawang dayuhan arestado sa NAIA dahil sa paggamit ng pekeng passport
Inaresto ang dalawang dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na isang Chinese at isang Colombian dahil sa paggamit ng pekeng pasaporte.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Port Operations Division Chief Grifton Medina kinilala ang mga dayuhan na sina Han Yujia, 36 anyos na gumamit ng Guatemalan passport.
Habang ang Colombian national ay kinilalang si Juan Arturo Carbajo, 48 anyos na pasakay sana ng flight patungong Macau pero nahulihan ng pekeng Argentinean passport.
Ang dalawang dayuhan ay kapwa nakakulong sa Bicutan Detention Center.
Inamin ni Han na siya ay Chinese citizen at ang kaniyang lehitimong pasaporte ay nakatago sa kaniyang bagahe.
Habang si Carbajo naman ay inaming nabili niya ang pekeng Argentinean passport sa halagang $300 mula sa isang passport fraud syndicate sa Lima, Peru.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.