Ospital sa Tondo pansamantalang isinara dahil sa hinihinalang kaso ng meningococcemia
Pansamantalang isinara sa publiko ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo Maynila.
Ito ay matapos ma-admit doon ang isang pasyente na hinihinalang mayroong meningococcemia.
Kinumpirma ni Dr. Rolan Mendiola, senior house officer ng ospital na isang 55 anyos na babae ang nadala sa ospital na may sintomas ng naturang sakit.
Bagaman hindi pa kumpirmadong meningococcemia nga ang sakit ng babae ay minabuting isara pansamantala ang emergency room para maisailalim sa fumigation at disinfection.
Mananatiling nakasara ang ER ng ospital habang hinihintay ang resulta ng laboratory test at blood culture na isinagawa sa pasyente.
Sa ngayon ay nasa isolation room ang naturang pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.