“Presidentiable inalok ng pera ng mag-asawang kandidato” – WackyLeaks ni Den Macaranas

November 20, 2015 - 11:11 AM

den-macaranas1Halos malaglag sa upuan ang isang presidential candidate makaraan niyang i-endorso ang kandidatura ng isang mag-asawa sa isang lungsod sa Central Luzon.

Bakit naman hindi, tumataginting na P500M ang kanilang offer na tulong sa nasabing pulitiko pero meron itong kapalit.

Ang hinihinging kapalit ay “Asap” hindi pagkatapos ng eleksyon kundi now na agad.

Gusto ng mag-asawa na hanapan ng kaso ang isang incumbent city mayor na kalaban nila sa pulitika.

Ito rin yung mag-asawa dati na namili ng suporta ng incumbent vice-mayor, mga konsehal at pinuno ng TODA sa kanilang lugar.

Natural na hindi makasagot agad ang Presidential candidate dahil mabigat ang hinihinging kapalit at ang gusto nila at i-commit agad ito ng naturang politician.

Isang matamis na ngiti lang muna ang iniwan ng Presidentiable, pag-iisipan muna ika nga lalo’t dating kaalyado sa pulitika ang ipinata-trabaho sa kanya.

Naganap ang nasabing offer sa isang event na ginanap sa mansion ng mag-asawa sa isang lungsod na hindi kalayuan sa Metro Manila.

Sinabi ng ating Cricket na sangkatutak na salapi na ang pinakawalan ng mag-asawa gayung hindi pa naman nagsisimula ang halalan.

Bukod dyan ay ginagapang na rin daw nila ang suporta ng ibat-ibang religious groups sa kanilang nasasakupan.

Ang mag-asawang kaanak ata ni Asiong Aksaya ay sina….ah basta kapag nagigipit ang mga tao katulad ng business nila ang hinahanap ng mga gustong mag-sangla ng gamit.

Si Presidentiable naman ay si….madaling hulaan siya yung naghahabol sa mga survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.