Forced evacuation ipinatupad sa ilang barangay sa Davao City dahil sa pagbaha
By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2019 - 06:35 AM
Nagsagawa ng forced evacuation sa ilang mga barangay sa Davao City dahil sa pagbaha.
Kabilang sa naapektuhan ng hanggang tuhod na pagbaha ay ang San Miguel, Panacan, Kaliraya, Mega Homes, de Oro at Tiloway.
Ayon sa Davao City government inilikas agad ang mga apektadong residente.
Mayroon ding mga sasakyang na-stranded sa bahagi ng Quimpo Boulevard.
Martes ng gabi nang magsimulang makaranas ng malakas na buhos ng ulan ang mga barangay sa Toril.
Itinaas na rin ang code yellow alert sa Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.