Duterte, walang nilabag na election laws sa pag-endorse ng senatorial candidates

By Chona Yu January 23, 2019 - 01:47 AM

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na walang ginagawang paglabag sa batas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-eendorso ng mga kandidato sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi rin binibitbit ng pangulo ang mga kandidato sa iba’t ibang pagtitipon na dinadaluhan ng punong ehekutibo.

Matatalino na aniya ngayon ang mga kandidato at sinasadyang dumalo sa mga okasyon kung nasaan ang pangulo para mabanggit ang pangalan o maipakilala sa mga botante.

Pero ayon kay Panelo, hindi lahat ng mga kandidato na nakasasalamuha ng pangulo ay kanyang inindorso kundi ang mga kandidato lamang na sa kanyang paniwala ay pasok sa kanyang kwalipikasyon.

TAGS: 2019 elections, Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, senatorial candidates, 2019 elections, Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, senatorial candidates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.