Patuloy na pagsunod ng mga rebelde kay Sison, kahibangan – Duterte

By Chona Yu January 23, 2019 - 01:29 AM

Malawakang kahibangan para sa rebelde ang sumunod sa mga itinuturo ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa annual assembly ng Provincial Union of Leaders Against Illegality sa Quezon Convention Center sa Lucena City na kilalang balwarte ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa pangulo, 52 taon nang sangkot ang rebeldeng grupo sa kaliwa’t kanang patayan subalit hanggang ngayon hindi naman nakakamit ang mga minimithi nitong komunismo.

Ayon sa pangulo, maging ang China at Russia ay inabandona na ang komunismo dahil hindi ito nagdudulot ng pag-unlad.

TAGS: CPP, Pangulong Duterte, CPP, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.