Mga batang may edad ng 6, ginagamit ng sindikato ng ilegal na droga – Duterte
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit na rin ngayon ng mga sindikato ng ilegal na droga ang mga batang nag-eedad ng anim na taong gulang.
Pahayag ito ng pangulo matapos aprubahan ng House committee on Justice na ibaba sa siyam na taong gulang ang criminal liability ng mga bata mula sa kasalukuyang edad na 15 taong gulang.
Sa talumpati ng pangulo sa annual assembly ng Provincial Union of Leaders Against Illegality sa Quezon Convention Center sa Lucena City, sinabi nito na kamakailan lamang, 12 menor de edad ang nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa drug operation sa Navotas City na nag-eedad ng anim hanggang siyam na taong gulang lamang.
Matatandaang makailang beses nang sinabi ng pangulo na nais niyang amyendahan ang kasalukuyang Juvenile Act at ibaba ang edad ng criminal liability ng mga bata mula sa kasalukuyang 15 taong gulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.