San Fernando, Cebu Mayor Reluya nakaligtas sa ambush

By Len Montaño January 22, 2019 - 09:37 PM

Tinambangan ang grupo ni San Fernando, Cebu Mayor Lakambini “Neneth” Reluya sa Barangay Linao, Talisay City, 6:00 Martes ng gabi.

Ayon kay Talisay City Police chief Supt. Marlu Conag, tatlong katao ang nakitang wala ng buhay sa loob ng van ni Reluya.

Sinabi ni Conag na nakaligtas si Mayor Reluya kasama ang dalawa pang biktima na sakay ng van.

Ang lahat ng biktima ay dinala sa Emergency Medical Services (EMC) na agad tumugon sa crime scene.

Ayon kay Conag, iniimbestigahan nila ang insidente pero sa inisyal na ulat ay nabatid na ang van ng alkalde ay hinarang ng isa pang sasakyan.

Ang van ni Reluya ay pinaulanan ng bala ng mga hindi kilalang suspek kung saan tinamaan ang tatlong biktima na nakitang wala ng buhay at wala pang pagkakilanlan.

Ito na ang ikatlong beses na ambush na kinasangkutan ng mga opisyal ng San Fernando sa loob lamang ng tatlong linggo.

TAGS: cebu, Mayor Lakambini Reluya, San Fernando, Talisay City, cebu, Mayor Lakambini Reluya, San Fernando, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.