DOT itinanggi na may kaugnayan sila sa partylist na sponsor ni Pacquiao

By Isa Avendaño-Umali January 22, 2019 - 07:24 PM

FB post

Nilinaw ng Department of Tourism o DOT na walang kaugnayan at walang kinalaman ang ahensya sa WOW Pilipinas Party-list.

Maraming nakapansin sa naturang party-list group dahil isa ito sa major sponsor sa katatapos na laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Adrien Broner sa Las Vegas, Nevada.

Sa isang statement, sinabi ng DOT na ang patrylist ay taliwas sa “apolitical and nonpartisan nature” ng ahensya na ang pangunahing mandato ay i-promite ang turismo ng Pilipinas.

Payo ng Tourism Department sa publiko, ang lahat ng “official communications” ng ahensya ay makikita sa kanilang website at opisyal na social media accounts.

Base sa official Facebook Page ng WOW Pilipinas, sila raw ay isang “tourism sector party-list.”

TAGS: broner, dot, mgm, Pacquiao, wow partylist, broner, dot, mgm, Pacquiao, wow partylist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.