Yes vote sa BOL hindi dahil sa pamumuwersa ni Pang. Duterte kundi dahil sa kagustuhan ng Moro People – Malakanyang
Kumpiyansa ang Malakanyang na mararatipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) hindi dahil sa vote buying o impluwensya ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi dahil sa paniniwala ng mga Moro na ang naturang panukalang batas ang magiging susi sa mailap na pag-unlad ng Mindanao Region.
Pahayag ito ng Palasyo bilang tugon sa alegasyon ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na mananalo ang BOL dahil sa pamumuwersa ni Pangulong Duterte at epekto ng martial law.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, deusional analysis lamang ito ni Sison sa mga political event sa bansa dahil sa kanyang kamangmangan.
Ipinagtataka pa ni Panelo kung bakit binibigyan pa ng pansin ng mga kagawad ng media ang mga walang katuturang pahayag ni Sison.
Iginiit pa ni Panelo na ang BOL ang magsisilbing susi sa kapayapaan.
Bagamat wala pang official result ng botohan, mistulang lamang na ang Yes vote ng BOL sa ARMM, Cotabato at Isabela City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.