Mga magulang ng mga batang kriminal aalisan ng parental authority
Nais ng Malacañang na papanagutin din sa batas ang mga magulang ng mga batang masasangkot sa ibat ibang uri ng krimen.
Pahayag ito ng palasyo matapos makalusot sa committee level sa Kamara ang panukalang batas na ibinababa sa siyam na taong gulang sa halip na labin limang taong gulang ang criminal liability ng mga bata.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi kasi dapat na pinabayayan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magamit sa krimen.
Bukod sa kulong, nais din ng palasyo na tanggalan ng parental custody ang mga magulang na pabaya sa kanilang mga anak.
Naniniwala ang palasyo na sakaling makalusot ang panukala, hindi na gagamitin ng mga sindikato ang mga bata sa anumang uri ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.