Banat ni Sison sa BOL hindi pinag-isipan ayon sa Malacañang

By Chona Yu January 21, 2019 - 06:55 PM

Bunga lamang ng ilusyon ang pahayag ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na magdudulot lamang ng mas malaking kaguluhan sa Mindanao region ang pagtutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay lamang ito na hindi na gumagana ng maayos ang pag iisip ni sison.

Sabi ni Panelo, walang katuturan at hindi alam ni Sison ang kanyang mga pinapakawalang mga pahayag sa isang lokal na isyu na hindi niya naman naiintindihan.

Ang tangi na lang daw nilang magagawa ani Panelo ay ipanalangin si Sison na sana’y mapagkalooban ito ng maayos na pag-iisip at kalusugan at malayo ito sa karamdamang patahak sa isang paglalakbay na hindi malaman kung saan patungo.

Muli ay iginiit ng palasyo na desidido ang Pangulong Duterte na mapag-isa ang Bangsamoro people para tuluyan nang makamit ang kapayapaan.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, duterte, Joma Sison, panelo, Bangsamoro Organic Law, duterte, Joma Sison, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.