May mga pagkilos pa rin na isasagawa ang mga anti-APEC protesters ngayong araw sa kabila ng opisyal na pagtatapos ng APEC Summit kahapon.
Sa katunayan nananatili pa rin sa Mendiola ang mga katutubo at ilang militanteng grupo na aabot sa 150 katao.
Ayon kay Bayan Southern Tagalog spokesperson Diego Torres, kasama nila ang mga grupong Karapatan, Balatik o Alyansa ng mga Katutubo sa Southern Tagalog na karamihan ay mga Mangyan.
Ngayong umaga ay nakatakda silang magsagawa ng programa sa Mendiola, at magkakaroon ng caravan patungong US Embassy.
Magtutungo rin sila sa Baclaran para makipagsalo-salo sa mga Lumad mamayang gabi sa tinawag nilang solidarity night.
Karamihan sa mga miyembro ng nasabing mga grupo ay sa lansangan na mismo ng Mendiola natulog.
Naglatag lamang sila ng mga pansapin habang ang iba ay nagsabit ng duyan sa mga service nilang jeep at doon na natulog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.