Rigodon isinagawa sa liderato ng Kamara

By Erwin Aguilon January 21, 2019 - 12:39 PM

Ilang araw bago ang election break ng Kongreso nagkaroon ng rigodon sa liderato ng Kamara.

Si Capiz Rep. Fred Castro na ang bagong majority leader at papalitan si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na magiging chairman ng House Committer on Appropriations.

Gayunman, ayon kay Castro magkakaroon pa ng pormal na anunsyo mamayang hapon sa plenaryo.

Paliwanag nito, ang pagpalit niya kay Andaya bilang majority leader ay isang “gentlemen’s agreement”.

Ito na anya ang kanilang napagkasunduan noong maupo ang bagong liderato ng Kamara matapos mapatalsik si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

TAGS: house of representative, Radyo Inquirer, house of representative, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.