10 UN peacekeepers patay sa pag-atake sa Mali
Sampung UN peacekeepers ang nasawi sa pag-atake na naganap sa northern Mali.
Maliban sa mga nasawi, mayroon pang 25 na nasugatan.
Tinarget ng pag-atake ang kampo ng UN peacekeepers sa Aguilhoc, na 200 kilometers north ang layo sa Kidal Region sa Mali.
Agad namang kinondena ni UN Secretary General Antonio Guterres ang naganap na pag-atake.
Sa naturang kampo namamalagi ang mga peacekeepers mula sa Chad.
Ayon sa mga residente sa lugar, ang mgaumatake ay sakay ng motorsiklo at mga kotse na nagpaulan ng bala sa kampo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.