LGUs sa Eastern Visayas, inalerto na ukol sa Bagyong Amang
Kasabay ng banta sa Bagyong Amang, naglabas na ng paalala ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa lahat ng local government units na maging alernto sa posibleng pagbaha at landslide.
Hinikayat ng RDRRMC ang lahat ng LGUs na i-activate ang kanilang emergency operation centers at magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga barangay na mababa ang lupa.
Inabisuhan din ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa kasagsagan ng bagyo.
Ayon kay Arvin Monge, provincial head ng disaster risk reduction and management office ng Leyte, naka-standby na at patuloy na tinututukan ang mga bahagi sa lalawigan.
Sa Tacloban naman, nakahanda na rin ang kanilang local rescue unit sakaling kailanganin ng mga residente.
Samantala, sa Barugo, Leyte ipinakalat na ni Mayor Ma. Rosario Avesrtruz ang emergency team kabilang ang pulis at opisyal mula sa Bureau of Fire para bisitahin ang mga barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.