NPC, iniimbestigahan na ang data breach sa Cebuana Lhuillier
May ginagawa nang imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa data breach sa Cebuana Lhuillier.
Ayon kay NPC commissioner Raymond Liboro, nagtungo na sa kanyang tanggapan ang mga kinatawan mula sa Cebuana para pag-usapan ang ilang detalye ng data breach kung saan naapektuhan ang 900,000 na kanilang kliyente.
Nangako aniya ang Cebuana na magsusumite ng mas detalyadong report ukol sa data breach.
Ayon kay Liboro, binigyan niya ang Cebuana ng 72 oras na deadline para magsumite ng detalyadong report.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.