Palasyo, nagpasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng mga Pinoy kay Duterte
Pinasalamatan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Pilipino para sa patuloy na pagtitiwala na matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pangakong pagbabago sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo matapos lumabas sa isang Social Weather Stations (SWS) survey.
Sa naturang survey, lumabas na 48 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang matutupad ang mga pangako ni Duterte sa bansa habang anim na porsyento naman ang hindi.
Ani Panelo, hindi nalalayo ang resulta ng bagong survey noong March 2018.
Ito ay bunsod aniya ng patuloy na paglaban ng administrasyon sa ilegal na droga, krimen at korupsyon.
Dagdag pa nito, nasaksihan ng mga Pilipino ang naging resulta ng aksyon ni Duterte sa tatlong nabanggit na problema sa bansa.
Tiniyak naman ng kalihim sa publiko na mas pag-iigihin ng pangulo ang kaniyang trabaho para mabigay ang nais na komportable at ligtas sa pamumuhay sa Pilipinas.
Isinagawa ang survery mula December 16 hanggang 19 taong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.