Ilang lugar sa Visayas at Mindanao, itinaas sa Signal no. 1 dahil sa Bagyong Amang
Nakataas na ang public storm warning signal number one sa ilang lugar dahil sa pananalasa ng Bagyong Amang.
Base sa 4:00 am advisory ng PAGASA, sa Visayas region, nasa signal number one ang southern portion ng Eastern Samar, southern portion ng Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Eastern Bohol at Northern Cebu.
Nasa signal number one rin ang Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur at Surigao del Norte, Dinagat Islands at Camiguin.
Namataan ang bagyo sa 460 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugso na 60 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, inaasahang maglalandfall ang bagyo sa Surigao del Norte mainland-Siargao Islands sa tanghali hanggang sa gabi.
Asahan na rin ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mganabanggit na lugar.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga baybaying dagat at paanan ng bundok na mag-ingat sa flashflood at landslide.
Pinagbabawalan din ng PAGASA ang mga mangingisda na pumalaot sa northern seaboard ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa malalakas na alon.
Lunes ng umaga (January 21), inaasahang nasa 35 kilometers east southeast ng Surigao city sa Surigao del Norte ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.