PAGASA, nagbabala ng malakas na ulan dahil sa LPA na magiging Bagyong Amang
Nagbabala ang PAGASA ng malakas na pag-uulan bunsod ng low pressure area (LPA) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng umaga.
Sa PAGASA update Sabado ng hapon, huling namataan ang LPA 585 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
May posibilidad na maging tropical depression ang LPA sa loob ng 24 oras at tatawaging bagyong Amang.
Dagdag ng PAGASA, ang LPA ay posible ring mag-landfall sa Surigao del Norte mainland-Siargao Islands sa Linggo.
Katamtaman hanggang malakas na ulan ang umiral na sa Caraga, Davao Oriental, Compostela Valley, Camiguin at Misamis Oriental Sabado ng gabi.
Asahan din ang maulan na panahon sa Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol Region, Northern Quezon, Romblon at Marinduque bukas.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga nakatira sa mabababang lugar at prone sa landslide.
Delikado rin ang pagpalaot sa northern seaboard ng Luzon at eastern seaboard ng bansa dahil sa Amihan at papalapit na bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.