Suspek sa pagsabog sa Cotabato mall, arestado

By Angellic Jordan January 19, 2019 - 04:21 PM

AP Photo

Arestado ang isa sa mga suspek sa naganap na pagsabog sa isang mall sa Cotabato City noong Bisperas ng Bagong Taon.

Ayon sa pulisya, nahuli si Datu Mohalidin Usman, 25-anyos, sa idinaraos na kilos-protesta sa Shariff Kabunsuan Complex ukol sa Bangsamoro Organic Law (BOL), araw ng Biyernes.

Isa si Usman sa mga suspek sa likod ng pagpasabog sa South Seas Mall.

Nagpakilala pa umano si Usman bilang secretariat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngunit namataan ang suspek ng militar at pulisya sa isang event na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Insp. Efren Salazar Jr., gumagamit ang suspek ng maraming pangalan.

Sa ngayon, si Usman ay nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa karagdagang imbestigasyon.

Itinanggi naman ng pamilya ng suspek na sangkot ito sa naturang pag-atake.

TAGS: BOL, Cotabato City, Datu Mohalidin Usman, South Seas Mall, BOL, Cotabato City, Datu Mohalidin Usman, South Seas Mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.