Sri Lanka President Sirisena, umalis na matapos ang 5 araw na state visit
Umalis na ng bansa si Sri Lanka President Maithripala Sirisena Sabado ng hapon matapos ang 5 araw na state visit na kauna-unahan para sa lider ng naturang bansa.
Umalis si Sirisena sa Ninoy Aquino International Airport bandang 2:00 ng hapon.
Bago ang kanyang pag-alis, binigyan ang Sri Lankan President ng departure honors ng ilang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa gitna ng state visit, limang kasunduan ang nilagdaan nina Duterte at Sirisena kabilang ang may kinalaman sa agrikultura, edukasyon at militar.
Dumating sa Manila si Sirisena noong Martes at nakipag-pulong ito kay Duterte.
Matapos ang pulong ay nangako ang dalawang lider na pareho nilang isusulong ang mga layunin na magpapa-unlad sa ugnayan ng Pilipinas at Sri Lanka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.