5 hepe ng pulis sa Calabarzon, sibak sa pwesto

By Kathlene Betina Aenlle November 20, 2015 - 04:13 AM

 

Mula sa pro4a.pnp.gov.ph

Sibak sa pwesto ang limang hepe ng pulis sa ilang bayan ng Calabarzon dahil sa kanilang kabiguan nilang maaresto ang mga wanted na kriminal sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran na public information officer ng Calabarzon police, epektibo noong katapusan ng Oktubre, tanggal na sa serbisyo sina Senior Insp. Wilfredo Plomos ng Magallanes, Cavite; Senior Insp. Franco Esguerra ng San Nicolas, Batangas; Senior Insp. San Juan Felmar Aquino ng Morong, Rizal; Senior Insp. Orlando Gerero ng Jomalig, Quezon at Insp. Michael Encio ng Plaridel, Quezon.

Sa isang report na inilabas, pinaliwanag ni Gaoiran na tinanggal sa pwesto ang limang nasabing mga opisyal dahil hindi nila naaresto ang mga wanted na kriminal sa kanilang mga bayan na nailista sa pamamagitan ng “Oplan Lambat Sibat” ng Philippine National Police.

Nais ni Calabarzon police regional director Chief Supt. Richard Albano na magsilbi itong aral at babala na rin sa iba pang mga hepe ng kanilang rehiyon para mas paigtingin ang pagsugpo sa mga kriminal, at para na rin mas pagbutihin pa nila ang kanilang mga trabaho.

Mahaharap din ani Gaoiran sa mga kasong administratibo ang limang opisyal dahil sa kabiguan nilang masakatuparan ang utos ng PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.