Babae nahulihan ng 3 bala sa NAIA, agad ding napalaya

By Kathlene Betina Aenlle November 20, 2015 - 04:10 AM

 

NAIA1-bulletIsa na namang pasaherong paalis ng bansa ang nahulihan ng tatlong bala sa kaniyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport.

Gayunman, ayon sa Public Attorney’s Office (PAO), napalaya din ang 61-anyos na si Lilly Chung agad dahil sa “lack of criminal intent”.

Ayon kay PAO chief Persida Acosta, na-ditine si Chung dahil umano sa illegal possession of ammunition dahil sa tatlong balang nakita sa kaniyang maleta noong Martes.

Sa mismong araw din na iyon, pinalaya siya ng Department of Justice prosecutor na naka-poste sa airport at pinayagan nang tumuloy sa kaniyang biyahe. Aniya, nakuha ng pasahero ang mga bala mula sa isang Buddhist monk bilang anting-anting.

Matapos ang isinagawang inquest proceedings, nagdesisyon ang prosecutor na palayain na lamang si Chung dahil wala naman umano siyang intensyon na gamitin ito sa anumang krimen.

Sa ngayon, aabot na sa 28 na indibidwal na nahulihan ng bala sa kanilang bagahe sa NAIA ang natulungan na ng PAO.

17 sa kanila ayon kay Acosta ay napa-walang sala na ng inquest prosecutor, habang ang natititrang 11 ay may nakabinbin bang mga mosyon sa Pasay City prosecutor’s office para ma-dismiss na ang kanilang mga kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.