Pangulong Duterte, nagpasalamat kay Allah para sa BOL; mga pari muling binanatan

By Rhommel Balasbas January 19, 2019 - 04:49 AM

File photo

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Allah, para sa pag-usad ng Bangsamoro Organic Law na ngayon ay nakatakda na ang plebisito sa mga susunod na araw.

“God must be good to us. The fact that we have reached this point after so many years of negotiation and interruptions. We are here. Insha’Allah. God is great. Allahu Akbar,” ani Duterte.

Sa talumpati sa Cotabato City, sinabi ni Duterte na napakabuti ni Allah na matapos ang napakahabang panahon ng negosasyon at mga balakid ay umuusad na ang BOL.

Allah ang pangalan ng diyos ng Islam.

Giit pa ng presidente, may bahagi ng kanyang pagkatao na mula sa Islam.

Matapos nito ay muling binanatan ni Duterte ang kaparian at tinawag niya ang mga ito na buang lalo’t hindi naman aniya siya Katoliko.

Ang pahayag ng presidente ay isang araw lamang matapos payuhan ng Malacañang ang mga pari na huwag makialam sa pamamalakad ng presidente.

Nauna nang umani ng batikos si Duterte mula sa mga lider ng Simbahan matapos payuhan ang mga tambay na holdapin at patayin ang mga obispo.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, BOL plebiscite, Rodrigo Duterte, Bangsamoro Organic Law, BOL plebiscite, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.